Technically, Ang "Lady of Good Voyage" ay barko ng Cebu Ferries Corporation (malaki ang tatak sa labas ng ship) pero SuperFerry ang posters at ads na naka-paskil sa lahat ng parte ng barko.
Mapapatawad ko ang mga tulugan at maayos naman ang mga shower rooms. Wag lang kayo maniwala sa photos ng "grocery store" nila sa website nila (ayan ang photo sa right side). Naku, ang store na 'to ay walang kalaman-laman....mga konting chichirya lang. Mabuti pa ang sari-sari store ni Manang Bola.
Ang pinakamatinding challenge sa amin (kasama ko si Alma Quinto at ang mga ibang artists papuntang Kamarikutan) ay ang pagkain. My GASH BIGASH!!!! Ang sama ng pagkain! Pang evacuation center. Mas okay pa ata pagkain sa city jail. Grabe! Pati sa first class dining kung saan kami lagi kumakaen ay terrible ka-panget ng pagkaluto! Umabot na kami sa point na kumakain na kami ng papel at binudburan namin ng vetsin --- kasi mas okay pa lasa nito. Di ko kinaya ang lasa. Pero inuubos namin kasi may shortage ek-ek daw ng bigas....kaya hala lamon namin ang alang kalasa-lasang mga pagkaen. At sa first class MAHAL kaya di ko mapapatawad ang lasa nila.
Umorder kami bihon...sus terrible! Humingi na ko soy sauce...ala pa rin! Si Alma panay budbod ng paminta sa bihon...ala rin epek! Kaya ayun...dinilaan na lang namin ang mga tubong kinakalawang sa gilid ng barko. hahaha!
Pagbalik ko Manila....mag-a-apply na ko COOK ng barkong ito para naman ang mga libo-libong pasahero ay di mamatay sa kaka-kaen ng masasamang luto ng kung sino man ang tagaluto dito. Our Lady of Good Voyage, please pray for the ship's cook nang magising sa katotohanang di s'ya marunong magluto.
[SOON!] 16 - Samut Sari Puerto 17 - Kids-Art-Play 18 - Kamariks-HIBIT 19 - Grad Na Mga Bata 20 - Kamariks Closing Ceremonies 21 - Joey Ayala at Cynthia Alexander 22 - Solo Flight sa Lotus Garden 23 - Bak to Normal Na?